Muling nagbigay ng serbisyo ang Professional Regulation Commission (PRC) kasama ang Local Government Unit ng Bayambang, sa pangunguna nina Senior Labor Employment Officer Dr. Joel T. Cayabyab at PESO-Bayambang Action Desk Officer Gerenerio Rosales, sa ginanap na “Agew na Propesyunal” noong ika-9 ng Enero 2018.
May 711 na aplikante ang nagpunta sa Balon Bayambang Events Center upang tumanggap ng serbisyong dala ng PRC Baguio Regional Office. Kabilang na dito ang renewal ng professional ID card (PIC), release ng available PICs at board certificates, initial registration para sa mga pumasa sa examination, aplikasyon para sa licensure examination, at iba pa.
Nauna nang nagkaroon ng fast-track servicing ang PRC at LGU noong ika-6 ng Disyembre ng nakaraang taon. Ayon kay Rosales, makukuha ng mga aplikante ang kanilang mga PIC sa loob ng dalawang linggo.