Fast-Track Service Offer ng PRC at LGU Bayambang, Dinumog


Madaling araw pa lang ay marami nang nakapila sa Balon Bayambang Events Center para sa “Agew na Propesyonal” na ginanap noong ika-6 ng Disyembre.

Ang Local Government Unit ng Bayambang, kaakibat ang Professional Regulation Commission (PRC), ay nagbigay ng fast-track servicing sa halos dalawang libong aplikanteng dumagsa. Ayon kay PESO-Bayambang Action Desk Officer Gerenerio Rosales, mayroong 1,970 ang dumating, at ang ilan sa kanila ay galing pa ng Zambales at iba pang karatig-probinsiya at bayan.

Kabilang sa mga serbisyong dala ng PRC Baguio Regional Office ang renewal ng Professional ID Card (PIC), release ng available PICs at Board Certificates, initial registration para sa mga pumasa sa examination, aplikasyon para sa licensure examination, at iba pang serbisyo.

Arrow
Arrow
Slider