Zumba ng mga Zombies: Nanakot. Nagsayaw. Nagwagi.


Nagmistulang isang malaking eksena sa TV series na “The Walking Dead” ang public auditorium sa gabi ng October 30 nang ganapin ng LGU ang Halloween Party para sa 2017.

Inumpisahan ito sa pamamagitan ng isang parada. Nagdulot ng katawa-tawang katatakutan ang mga nagcostume na wari’y duguan, namatay sa saksak, at bumangon muli mula sa ataul. Ang iba naman ay nagbihis bilang aswang, mangkukulam, mummy, o si Kamatayan, kaya’t nagmistulang Halloween version ng cosplay ang event kung saan lumabas ang nakakamanghang talento ng mga Bayambangueño sa pag-make up at paggawa ng costume at props.

Arrow
Arrow
Slider

Dinaluhan ni Mayor Cezar T. Quiambao at First Lady Niña Jose-Quiambao ang party, kasama sina Vice-Mayor Raul Sabangan at Councilor Amory Junio at Philip Dumalanta.

Ang itinanghal na Most Creative Halloween Costume ay tumanggap ng P5,000 cash. Tig-P2,000 naman ang tinanggap ng nanalo sa Scariest Halloween Costume, Funniest Halloween Costume, Sexiest Halloween Costume, at Best Couple Costume. Mayroon ding sampung consolation prizes na ipinamahagi.

Ang zombie apocalypse-themed Zumba Dance Party ay inorganisa ng Events and Management Office sa pangunguna ng bagong Hermano Mayor na si Levin N. Uy at sa tulong ng kanyang Events Manager na si Joseph U. Salopagio at Public Relations Officer Ray Ann N. Magno.

(Check out Wenchie Artacho’s shots of the funny-scary scenes of Halloween Party 2017.)