OPISYAL NA PAHAYAG NG PUNONG BAYAN, DR. CEZAR T. QUIAMBAO
Kinasuhan ni ex-Councilor Crisostomo “Emo” Bato ng katiwalian si Mayor Cezar T. Quiambao at mga pribadong indibidwal na sina Jose Ramos, Muriel Macatangay at Josefino Mataban nang dahil sa pagpapatayo ng Bagsakan at Bus Terminal.
ANG AKUSASYONG ITO AY WALANG KATOTOHANAN.
Ang nabanggit na proyekto ay joint venture na aprubado ng Sangguniang Bayan. Ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pagpapahiram ng lote nila Ramos, Macatangay, Mataban at sa tulong ng pribadong organisasyong Kasama Kita Sa Barangay Foundation.
Nakipagkasunduan ang LGU sa naturang tatlong personalidad sa 35%-65% na hatian sa makokolektang kita sa pag-operate ng Bagsakan at Terminal nang maipasa ang proposal sa Sangguniang Bayan. Ang kaunting kapalit na ito sa kanilang kagandahang loob ay hindi isang pagmamalabis kundi nararapat lamang at naaayon sa resolusyon ng SB.
WALANG NAGING GASTOS ANG LGU-BAYAMBANG KAHIT ISANG SENTIMO SA PROYEKTONG ITO.
Temporaryong nasolusyunan ang problema sa kakulangan ng espasyo sa palengke at bus terminal nang dahil sa kanilang kabutihang loob at malaking tiwala sa kasalukuyang administrasyon.
WALANG BASEHAN ANG PARATANG NA KATIWALIAN SA MGA TAONG WALANG IBANG KAGUSTUHAN KUNDI MAKATULONG SA BAYAN.
Huwag nating hayaang may manira sa ating magandang nasimulan at tuluy-tuloy na arangkada sa pag-unlad ng ating mahal na bayan ng Bayambang.
MABUHAY BALON BAYAMBANG!!!