Bukas na sa publiko ang Bus Stop sa may junction papuntang Malasiqui at Basista.
Matatandaang sinimulang irenovate ito noong Hunyo. Dati ay isa lamang itong simpleng waiting shed, ngunit ngayon ay isa na itong two-story structure.
Malapit na ring matapos ang pangalawang palapag ng Bus Stop na ito na ginawang Police Precinct. Inaasahang magbibigay ang presintong ito ng karagdagang presensiya ng kapulisan sa lugar na malimit na sakayan at babaan ng mga pasahero galing at papuntang Maynila.
Inaasahang mapapanatili ang kalinisan at kaayusan ng naturang bus stop.