Orientation Ukol sa Barangay AIP Isinagawa


Upang mapadali ang pagsumite ng iba’t-ibang barangay ng kanilang Annual Investment Plan (AIP) para sa taong 2018, nagsagawa ng orientation ang puno ng Municipal Planning and Development Office na si Ma-lene Torio para sa lahat ng Barangay Secretary at Barangay Treasurer ng Bayambang noong Agosto 17 sa Events Center.

Inisa-isa ni Torio ang mga legal na basehan ng pagkakaroon ng Barangay AIP, at hinimay nito ang mga proyekto at isyu na maaaring isama sa paggawa ng AIP.

Ang panghuling parte ng programa ay isang workshop upang mademonstrate sa mga nagsipagdalo ang tamang pagkumpleto sa AIP Form.

Naroon din si Levin N. Uy, Consultant for Economic Affairs and Investment Promotion, upang magbigay ng inspirasyunal na talumpati. Ipinaliwanag niya na ang AIP ay simple lamang. Ito ay tungkol sa distribusyon ng mga plano at programa ng bawat barangay para sa buong taon. Kailangan lang daw itong pag-usapan muna ng barangay officials bago kargahan ang AIP Form.

Arrow
Arrow
Slider

 

“I will give you an idea,” ani Uy. “Tatlong areas of concern lang ang inyong tututukan sa AIP: ang Social, Economic, at Environmental. Mahalaga ang first two areas of concern para mapuksa ang kahirapan,” dagdag pa niya. “Under ng Social ay ang health, education, peace and order, at iba pang sub-areas. Sa ilalim ng Economic naman ay lahat ng patungkol sa revenue generation, at kabilang na rin dito ang infrastructure. Ang Environmental naman ay kung sinusunod na ba ang RA 9003 – dapat may MRF na kayo, may Barangay Basura Patroler, at may Tree-planting at Clean and Green activities,” pagpapaliwanag ni Uy.

No Politicking si MCTQ

Sinamantala ni Uy ang pagkakataon upang ipaalala na sa administrasyong Quiambao-Sabangan, lahat ng 77 na barangay ngayon ay may infrastructure allocation taun-taon. Ito ay patunay na walang pulitika ang paninilbihan ni Mayor Quiambao. “Katunayan,” sabi ni Uy, “ginawa niyang permanente at iprinomote ang maraming empleyado ng munisipyo kahit kaalyado o kamag-anak pa ito ng nakaraang administrasyon.” Isa pang katunayan, dagdag niya, ay ang pagpapaubaya niya sa BBKAPI, ang asosasyon ng mga Barangay Kagawad, na maghalal ng kanilang sariling opisyales sa halip na siya ang mag-appoint sa kanila.