Bayambang Employees Association (BEA) ay nag-organisa ng isang Pre-Registration Seminar para sa mga empleyado ng LGU na gustong maging miyembro ng kooperatiba noong Agosto 15 sa Events Center.
Ang inimbitahang magbigay ng orientation ay dalawang opisyal ng Cooperative Development Authority Region 1 na sina Edilberto G. Unson at Sheryl Lou M. Fabia. Tinalakay nina Unson at Fabia kung ano ang kooperatiba at mga layunin nito at ang mga benepisyo ng pagiging miyembro.
Samantala, naghalal ang BEA noong huling linggo ng Hulyo ng kanilang panibagong hanay ng opisyales. Ang mga bagong opisyal ng BEA ay ang mga sumusunod:
President: Romeo S. Quinto
Vice-President: Luz B. Cayabyab
Secretary: Leonida S. Junio
Treasurer: Pelagia R. Papio
Auditors: Viminda N. Castillo, Evangeline Bienes
Business Manager: Lorna M. Rebamontan
Public Information Officer: Eloisa R. Quinto
Board of Directors: Joselito P. Rosario, Lady Philina P. Duque, Christopher S. Baniqued, Jubel C. Camacho, Angelito A. Joson, Rolando Castillo