Ang PNP-Bayambang, sa pamamahala ni PSupt. Cirilo B. Acosta Jr. at sa pamamagitan ng PCInsp. Dennis N. Ballitoc ay nagbigay ng maiksing lecture para sa lahat ng mga LGU officers at staff na dumalo pagkatapos ng flag ceremony noong Lunes (Agosto 14) sa Events Center.
Ito ay bahagi ng pag-obserba ng International Humanitarian Law Day ng bansa na ginaganap tuwing ika-12 ng Agosto ayon sa Presidential Executive Order No. 134.
Sa pagtalakay ni Ballitoc, nabanggit niya ang mga ipinagbabawal sa panahon ng giyera, alinsunod sa Law of War ayon sa 1949 Geneva Convention at sa Republic Act 9851. Ilan lamang sa mga ito ay ang sumusunod: ang paggamit ng nuclear, biological at chemical weapons at ang pananakit sa mga babae at bata, sundalong nasugatan, at miyembro ng media.